Saturday, July 13, 2013

Gasgas na ba?


Siguro isa sa pinaka gasgas na naririnig natin sa simbahan o kung sa ano pa mang religious preaching is yung tungkol sa "Good Samaritan". Lumaki na kasi akong paulit ulit ko itong naririnig every once in a while. Ginagawang halimbawa kung paano ba dapat maging mabuting kapwa.

So let me brief describe the story on my own words, kung gusto ninyo basahin straight from the bible eto ang reference: Luke 10:30-35. May isang lalake na nakahandusay sa daanan at may maramig sugat sa katawan. Sya ay hubad at halos wala nang buhay. Nadaanan siya ng isang Pari ngunit lumihis sya ng landas. Dinaanan din siya ng isang Levita ngunit di niya tinulungan. Syempre ang bida sa kwento ang Samaritano ang sumunod na dumaan at siya ang tumulong sa lalaki.

Eto ang blog entry ko ngayon kasi nga gaya nang sinabi ko kanina, gasgas na para sa akin ang kwento na ito. Ang alam ko lang dapat tumulong ka sa kapwa mo dahil yan ang kinalulugdan ng Diyos. Well, tama naman.

Sa homily ng aming Parish Priest meron pa palang ilalawig ang parabulang ito. Noong panahon daw na iyon, ang mga Hudyo (Jews) ang tinuturing lang na kapwa nila ay ang kapwa ay yung Hudyo din - Base ito sa kanilang batas. Kapag hindi Hudyo hindi nila ito kapwa.

Noong dumaan daw yung pari, hindi niya ito tinulungan (Isasantabi ang factor na baka wala siyang awa) dahil hindi niya alam kung Hudyo ito kasi nga walang kasootan. Sa pananamit daw nalalaman kung Hudyo siya. So kung hindi sya Hudyo bawal niya itong tulungan. Bawal lumapit sa hindi Hudyo lalo na sa mga Samaritano. "Marurumihan" sila.

Ang pangalawang dumaan ay isang Levita. Ang Levita daw ay Hudyo din. Analogy: Parang ang mga Ilocano ay Pilipino din. Hindi niya ito tinulungan (Isasantabi uli natin ang factor na baka wala siyang awa) dahil alam nya na yung nauna sa kanya na pari ay hindi ito tinulungan, so unsure din sya kung Hudyo ito. At kung tutulungan niya ito, malaking insulto sa Pari. At kung sakaling patay na yung lalaking nakahandusay ay bawal sa kanila ang humawak sa mga Patay.

So madaming rules na involved.Si Samaritan naman, the hero of the story helped the man. So ang tanong, ano ba talaga ang lahi nung lalaking halos patay na? according sa homily ni father, di-tiyak, unknown. So let's leave it with that. Eto ngayon ang mga pwedeng mangyari. Kung ang lalaki ay Samaritano din, walang issue. Kung ang lalaki ay isang Hudyo, at ito ay nabuhay - magagalit pa daw ito sa Samaritano dahil dinumihan siya nito. Sa lipunan kasi nila noon madumi ang tingin nila sa mga nakakasalamuha ng mga Samaritano. At kung sakaling hindi mahuhuli yung mga taong nanakit sa kanya, ang Samaritano ang maaring mahatulan. How unfortunate. Napanganga na lang ako.

I will never see this parable the same way again.


No comments:

Post a Comment