Saturday, January 7, 2012

Bukas ang tinaguriang Pista ng Poong Nazareno. Simula ng bata pa ako, lagi ko itong napapanood sa telebisyon. Napakaraming tao, masikip, nakakalungkot pero may namamatay pa sa aksidente. Sa kabila nito tila 'di yata nababawasan ang dumadalo. Maaari isa itong himala. Maraming kwento ng himala din ang napanood ko na sa telebisyon. marami na daw magagandang bagay ang naidulot sa kanila.
Minsan na rin akong nakarating sa Simbahan ng Quiapo upang tignan ang replika ng poong Nazareno. Payapa sa loob ng simbahan. Pagkatapos ng Pista susubukan kong bumalik doon upang magdasal. Pero naniniwala ako na di na kailangan ng kung ano pa man upang magkaroon ng himala. Araw araw nangyayari ito. Tignan lang natin. photos from: pinoyphotography.org inversetutuldok.blogspot.com